Home » Post Item » How Cocks saves my Father’s Life
How Cocks saves my Father’s Life
April 11, 2006
Nung Sabado ng umaga, maagang pumunta si Uncle Boy sa bahay namin upang pakiusapan ang erpat kong magdrive mg kanilang jeep. Tumanggi ang erpat ko dahil sa mismong araw na yun ay may sasalihan silang sabong.
Ilang oras ang lumipas isang masamang balita ang aming nalaman. Kung nanood kayo ng TV Patrol nung Sabado, marahil alam niyo ang balita tungkol sa dalawang jeep ng nagsalpukan malapit sa St. Benidictine sa Sta. Cruz Davao del Sur. May naiulat na tatlong patay. At ang isa dun ay ang jeep nina Uncle Boy. Isa rin siya sa mga namatay kasama ang dalawang bata. Aksidente ang nangyari at halos lahat ng sakay ay sinugod sa ospital. Maliban kay Uncle Boy na binawian ng buhay mismo sa oras na pagkatapos naaksidente.
Malapit sa pamilya namin si Uncle Boy dahil magkaibigan na sila ng erpat ko simula pagkabata. Siya rin yung inuutangan namin sa panahon na walang-wala yung pamilya namin at kinakapos sa pera. Isang malaking kawalan ang pagkamaty niya sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at kakilala. Siya’y naging isang mabuting konsehal sa bayan ng Makilala noong taong 2000.
Isang araw bago ang naaksidente ay pinaplano pa nga nila ng erpat ko ang gagawin nilang selebrasyon para sa dalawa niyang anak na naggraduate. Balak niyang magpalitson ng baboy bilang pasasalamat sa dalawa niyang anak na nagtapos sa San Pedro College, Davao City - isang kilala at magaling na paaralan sa Lungsod…
Ngayon napagtanto ko na ang buhay ay sadyang hiram lamang at anumang oras ay pwede itong bawiin ng Lumikha. Masakit man tanggapin pero yun ang katotohanan.
Malaki ang pasasalamat ko sa Kanya na hindi napasama sa jeep nang mga araw na yun ang erpat ko…
Previous Comments
richard,
glory be to GOD!
i agree with logic
ngayon mo pakita ang love at respect mo sa tatay mo
good luck
and always take care kamo sa dad mo.
that's life.. di mo talaga alam kelan ka kukunin. i know how hard it is for person na mawawalan ng isang mahal sa buhay…
thanks god, wala yung tatay mo dun.
txt u later bro.. andito ako sa office..
=)
Posted by eric at April 11, 2006, 2:55 pmang lungkot.. nakikiramay po ako..
hai..
Posted by abby at April 11, 2006, 7:25 pmNakikiramay ako! Cest La Vie! Basta, magdasal tayo at manalig sa Panginoon!
Posted by Mamaru at April 16, 2006, 2:55 amisa pang pahabol… na hiwagaan ako dITO sa iyong isinulat na may titolong 'mute silence' (tama ba?)… nung una ay natatawa ako dahil ngayon lang ulit ako nakabasa ng purong tagalog na sulat… pero nung bandang kalagitnaan ay nagulat ako sa nabasa na aking mga mata… ako'y nakikiramay sa pagkamatay ng iyong uncle…
medyo nahihirapan na ako sa pagtatagalog kaya magtataglish na ako… you're so blessed dahil hindi napasama ang iyong dad… that only proves how much God loves your family… pero honestly at first natuwa ako ( i mean sa first paragraph on what you've posted ) kasi nga pure tagalog… anyways, God bless!
Posted by Paul at April 17, 2006, 11:40 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

























well, who knows what will happen next? or what will tomorrow brings? most of the time life is really unpredictable. that's why accidents do happen.. lucky enough your father's still there!
payo ko lang, pakita mo na sa tatay kong gano mo siya kamahal… pasalamat dahil siya'y nandyan!
Posted by lojik at April 11, 2006, 11:19 am