Home » Post Item » This is for the many braincells that had to endure incessant torture. Some unfortunately encounter ...
This is for the many braincells that had to endure incessant torture. Some unfortunately encounter untimely demise… bless them!
April 3, 2006Crime in a rush
NOTE: Ang entry na ‘to ay para sa may makukulay na isip lamang…
Napagising ako ng maaga nung Biyernes dahil sa sigaw ng ermat ko dahil sa may nakapasok na magnanakaw sa aming kusina. Agad din kumuha ang erpat ko ng itak at saka pinagtataga ang naturang kriminal. Ilang segundo ang nakaraan ay tila hindi pa rin ‘to nalagutan ng hininga hanggang sa nawala ako sa matinong pag-iisip at kinuha ko ang hawak na itak ng erpt ko. Dinala ko ang suspek sa labas ng bahay at walang-awa ko siyang tinadtad hanggang sa nahati ang katawan niya sa sampu. Hanggang sa naglabasan ang mga dugo at ang kalob-looban nito. Agad rin akong naghukay sa likod ng bahay namin at dun inilibing ang napatay.
Oopppssss… Teka lang muna. Bago niyo i-close ang blog na ‘to, hayan niyo muna akong magpaliwanag . Una sa lahat, hindi po tao ang aming napatay. Agad lamang siyang pumasok sa kusina na hindi man lang kumatok sa pinto. Sabagay, paano naman niya magagawa yun? E, wala naman siyang mga kamay. Mga labing-apat na inches lang ang kanyang taas at ang katawan nito ay may 1-inch diameter lang. May ulo siya at buntot. Ngayon, alam mo na? Oo, tama ka! AHAS…
Ewan ko ba kung bakit ko yun nagawa. Di man lang siya nabigyan ng chance magpaliwanag. Ngayon ko lang narealize. Pero sabagay kung ikaw ang nasa sitwasyon, malaki ang posibilidad na gagawin mo rin yung karumal-dumal na krimen.
Maliit ang ahas na yun at paano kung napagutusan lang yun ng mga magulang niyang bumili ng suka o kaya’y toyo. At saka naligaw lang siya. Baka napagkamalan niyang tindahan ang kusina namin. Paano na lang kung ang mga magulang niya ay kapamilya ng Anaconda. Tiyak malaking gulo ang haharapin ko..
* * * * * * * *HUMIHINGI PALA NG PAUMANHIN KO YUNG BLOGGER_FRIEND KO NA SI BOBBYJONC. NASIRA KASI CPU NG PC NIYA… MAWAWALA MUNA SIYA SA SIRKULASYON. WAWA NAMAN!
* * * * * * * *I GOT SOME OF MY GRADES THIS AFTERNOON. SCIENCE, TECHNOLOGY AND SOCIETY- 94%, HEALTH ECON-96% AND TO TOP IT ALL, HEALTH CARE-82%… Ang hirap talaga ng HEALTHCARE, buti na lang nakA-82%… Weeeeeee!!!!
Previous Comments
im here! oy sorry nga pala dahil marami na tuloy nagtetext sayo dahil pinost mo yung no. mo sa comment box ko. sana kasi sa ym na lang eh. hahahha… lam mo may nag text sakin, kala nia ako daw ikaw… kaya tinxt niya ung no. na akala niyang akin…
hahahah…
madalas na nakasun ako ngayon, ehehhehe… sayang, dami ko sanang wento sayo….
about sa pagbabalik ko, haaayyy…. di ko pa ren alam kung kelan. basta bahala na.
dito naman sa entry mo, u shud be gentle on animals, hahah,,, sumbong kita sa animal rights group!
teka, dapat inulam niyo yung ahas, balita ko kasi masarap daw un eh…
hehehe… pero dapat hindi ka naging harsh, dapat gentle lang ang pagitak. ako nga kahit langgam ayokong pumatay eh,,,
oy! congrats sa grade mo!!! ahahah!!! mabuhay tayo! ala ren akong bagsak!!!
take care!
mis u bro!
nice hehe
Posted by jong at April 4, 2006, 8:56 amhaha… natawa po talaga ako… kala ko nung una isang scene sa isang book… kala ko kinote niyo… hehe…
congrats nga pala po sa grades! keep it up! Ü
Posted by mark at April 4, 2006, 12:15 pmheheh musta na bro? sorry been very very lately. dami pressure sa work. kaya di ana ko nakakapag reply sa u, at higit sa lahat. ala din ako load ngayon hehe
good job pala sa studies mo.. im so happy uve got high marks sa mga subjects mo..
ingats lagi ha…
bye bro..
kuya
hey, rich! at last nakakapost na ako here! musta!
Posted by aCey at April 6, 2006, 11:42 amWOW! Congrats dude. Ang galing mo. Ipinagmamalaki kita 2l. Ang tagal naman ng iba mong grades. Laro muna tayo ng TANTRA. Try mo yung bago.. Lam mo na ba yun? Keep n touch. Text mo lang ako 2l.. Yo siltzzz…
Posted by Stephen at April 7, 2006, 12:22 pmbro ive tried na kumain ng ahas, palaka at ostrich before.. pangit yung ahas at palaka.. di ko type.. i swear i wont eat it again!
pero yung ostrich masarap.. parang baka din sya. red meat sya. ehehe dunno where did it came from dala lang ng pinsan ko yun. ehehe
i might get a TM sim later para maka unlimitext din ako mag holy week! haba kasi off ko.. i might go to pampanga makiki nood ng mga nagpapa pako sa krus ahehe
ingat bro..
Posted by eric at April 8, 2006, 1:52 pmMaliit lang naman pala ang ahas. Wheww………. kaya ko rin yun! Hehehe
Posted by Japz at April 10, 2006, 9:41 amOi, salamat ng marami ha! Thanks din sa mga advices mo. Sobrang thank you talaga! Ayun, sira pa rin yung CPU ko. Pwede mo pala palitan yung picture ko. Me gravatar kasi ko. Try to look at ade's blog. Hehe!
Posted by Bobby at April 10, 2006, 8:51 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

























grabe, nagulat naman po ako.. ang harsh.. i didn't think it was completely true though (ung 1st part i mean).. hindi ko rin siguro un maggagawa kasi matatakot akong hawakan ung ahas na wala sa kulungan//
;)
Posted by abby at April 3, 2006, 8:34 pm