Home » Post Item » May piring ang Katarungan.. Ang katotohanan at ang di-maalis-alis sa bayan..
May piring ang Katarungan.. Ang katotohanan at ang di-maalis-alis sa bayan..
March 23, 2006 Hustisya para sa lahat!
Alas kuwatro y medya.. isang mensahe ang aking natanggap na nagpamulat sakin sa isang katotohanan.. na magiging hudyat sa lumalalang kabagalan sa pagkamit ng katarungan.
Sa mga nagbabasa ng blog na ‘to simula’t sapul. Minsan kong naibahagi ang buhay ni Benjaline Hernandez o mas kilala sa tawag na Beng, isa sa mga biktima ng krimen noong ika-5 ng Abril, 2002 sa Sitio Bukatol, Brgy. Kinayawan, Arakan Valley. Si Megace, kababatang kapatid ni Beng ay napadaan sa blog ko at nabasa ang entry na yun. At sa kanyang mensaheng ibinahagi sa’kin, lubos niyang ikinukundena ang mabagal na proseso ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ate. Ayon kay Megace, may tatlong hearings sa isang taon at sa bawat hearing, iilan ang naiipresent na testigo. Dinagdag pa niya ang kalungkutang kahit murder ang kaso ay nakabail pa rin ang mga pumatay. Bakas sa mensahe niya ang pangungulila sa ateng naging sandigan niya sa lahat ng bagay sa loob ng labimpitong taon. At ang pagkamatay nito ay isang malaking kawalan sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
Si Megace ay may simpleng pangarap. Hangad lamang niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang taong malapit at mahalaga sa kanya. Di natin maitatangging maraming tao rin ang pinagkaitan ng hustisya. Sila na umaasa sa hatol ng korte. Ngunit paano makakamit ang sinasabing hustisya kung kayod-pagong naman ang nangyayari. Isang napakasakit na katotohanang halos hindi katanggap-tanggap.
Isang napakasakit na sampal ang katotohanang sa bawat galaw ng bawat tao ay nasa kamay lamang ng iilan na tumatakda sa kapalaran ng mga taong salat sa kapangyarihan. Na sa bawat paghihirap ay mapupunta lamang sa wala. Saan ngayon ang hustisya?
Ano nga ba ang meron sa hustisya sa bansa? Kung wala na nga bang paraan na misaayos ang gusot, mabuti na nga lang bang kalimutan ang masakit na nakaraan? O kaya’y idaan na lamang sa marahas na pakikipaglaban? O ipasa-Diyos na lang ang lahat?
Previous Comments
hmmm… mejo hindi ako nakarelate kasi hindi ko alam yung tungkol sa kasong yan.. nagtataka lang ako kung may significant importance ba sa iyo ung kaso at tina-tackle mo yan dito sa blog mo.
hehhe….
as far as i know, kaya nakapiring na babae symbolizes impartial justice. yung walang kinikilingan. at yung timbangan eh, as the thing connotes itself, pra manimbang. aside from that wala na akong ibang alam kung may iba pang bagay na sumisimbolo sa iba pa. hindi ko ren alam kung chikas ang may ginawang modelo niyan.
marami talagang nagsasabi na mabagal ang justice system sa pinas. ayon sa pagkakaalam ko, kasi, parang tambak na ata ang kasong hinahawakan ng ilang mga judge. kya ganun. hehehe…. parang ambabaw..
basta, parang ganun. hindi ko lang ,a refresh ang memory ko kasi dami ko ren iniisip. haayyy…..
break na kayo?!….
salamat nga pala sa pagtatake ng risk na i post ang no. mo sa blog ko ha. hehehe… grabe…. di bale, text kita pag me load ren ako.
tc!
Posted by kingdaddyrich at March 23, 2006, 9:27 pmnapakahirap nga ata ng kalagayan nila. mabagal talaga hustisya dito sa ating bansa. kailangan mapera ta maimpluensya ka para umusad kaso mo. ipagdasal natin na makamit ni beng ang hustisya sa lalong madaling panahon.
Posted by cruise at March 26, 2006, 11:18 pmwooot….hello chardiee!sorry ngayon lng ulet ako nakadaan..medyo problemado pa rin ang dyosang ito..haha…
well anyway, im clueless about that sit since im kind of a newbie here sa blog mo..but yeah..i got your point…kung kabagalan lang rin ang pag-uusapan nagiging synonymous na ata sa pagong ang hustisya naten..which is a sad sad thing…hayy…kaya naman takteng buhay to…walang kaunlaran tuloy bagsak naten…
uhhmm..thats about it..im no good at making good comments on politics and issues like this..haha…parang isa ata ako sa rason kung bakit di umuunlad ang bansa…harhar..
ingat lagi!
<3hanmae
Posted by hanmae at March 31, 2006, 11:06 pmgusto ko lang ishare ang comment sa kin ng isang blogger na abogado:
Ang nakakalungkot lang isipin, merong nga tayong mga BATAS pero wala namang HUSTISYA. Di ba dapat pag may batas, may hustisya? Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, habang nananatili sa puwesto ang hindi dapat umupo, lalong nagiging mailap ang katarungan. Hindi na RULE OF LAW kundi RULE OF MEN. Hanggang kailan kaya magtitiis ang Pilipino? Hanggang kailan kaya sila magbubulag-bulagan? Nakakainis… pero yan ang nangyayari ngayon sa ating bansa.
galing yan kay Atty erwin james ng thebystander
http://attyerwinjames.blogspot.com
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

























Salamat sa comment! I mean how did you cope up with the situation? What did you do? Ako medyo ok na pero the pain is still there. (Tama bang pag-usapan dito yan?! Hehehe!) Thanks bro!
Posted by Bobby at March 23, 2006, 3:19 pm