Home » Post Item » Ganid sa Tubo
Ganid sa Tubo
September 14, 2005“Ano na lang ang mangyayari sa mga tulad naming ordinaryong mamamayan na kumain-dili na lamang na di kaya balikatin ang mga nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo…? Kaya labanan…ang GANID SA TUBO…”
Umaga. Badtrip, punyemas naman kasi pumunta ako sa paaralan na wala naman palang klase. Buti na lang nakita ko yung kaklase ko, si Haron at sabay kaming naglakad sa daang Quezon Boulevard patungo sa terminal. Nang makaabot kami ay nalaman naming walang niisang nakapormang sasakyan na pumasada. Akala namin ilang drayber lang ang sasama sa sinasabing malawakang tigil- pasada. Pumunta na lamang kami sa isang internet kami at matapos ay naglakad-lakad muli upang makahanap ng sasakyang nagpapaskay ng mga na-stranded na pasahero. At nang kami ay nasa harap ng STI ay nakita namin ang isang kaklase at walang alinlangang nakisakay sa kanyang motorsiklo. Bumaba kami sa Brgy. Poblacion sa Makilala kung saan naroon ang mga drayber na nananawagan sa pagbasura sa sinasabing oil deregulation law. Ramdam ko ang kanilang mga hinaing. Halos linggu-lingo na ang walang patumanggang pagtaas ng presyo ng langis. Sana ang mga kumpanya ng langis dito na ihinto muna,alang-alang sa pambansang kapakanan, ang anumang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Ano na lang ang mangyayari sa mga ordinaryong mamamayan na kumain-dili na lamang na di kayang balikatin ang mga nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo? Kung saan sa bawat paggalaw sa mundo, ay nasa kamay lamang ng iilan na tumatakda sa kapalaran ng mga salat sa yaman…
Previous Comments
hi… watz up?
Message: cute? oo naman e. i think wala naman masama.
napahanga mo kase ako sa blog mo kaya ganun..
hehehe.
i was really amazed when i read ur blog. i dont
expect it.. hahaha! nice ideas and insights.. sana
we can be good friends pa. sama ka sa amin if we
will hang out with my circle of friendz, sila haron,
brix, arvyne, rommel, sandoy etc..
chard, mukhang ayaw magpa-comment ng entry mo kase nakiramay sa 'yong pagkabagot dahil sa sobrang kasipag sa pag-aaral kahit walang pasok dahil sa strike e pumasok ka pa rin.. it shows your so serious in your studies like haron?! hehehe! your now CERTIFIED VICTIM!!! hahaha!
Posted by ARVIN at September 21, 2005, 5:43 pmBakit bawal mag-comment sa entry mo? K, dito ko nalang sabihin, "Badtrip, punyemas naman kasi pumunta ako sa paaralan na wala naman palang klase. "…natawa ako dito, ang sipag mong pumasok sa klase ah! Good luck sa exams!
-post by teacher sol in my tagboard
Posted by teacher Sol at September 21, 2005, 5:45 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

























hi.. napadaan lang… nice blog in here…
Posted by AMBOT at September 14, 2005, 5:12 pm