Home » Archives » 14. September 2005
Ganid sa Tubo
September 14, 2005“Ano na lang ang mangyayari sa mga tulad naming ordinaryong mamamayan na kumain-dili na lamang na di kaya balikatin ang mga nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo…? Kaya labanan…ang GANID SA TUBO…”
Umaga. Badtrip, punyemas naman kasi pumunta ako sa paaralan na wala naman palang klase. Buti na lang nakita ko yung kaklase ko, si Haron at sabay kaming naglakad sa daang Quezon Boulevard patungo sa terminal. Nang makaabot kami ay nalaman naming walang niisang nakapormang sasakyan na pumasada. Akala namin ilang drayber lang ang sasama sa sinasabing malawakang tigil- pasada. Pumunta na lamang kami sa isang internet kami at matapos ay naglakad-lakad muli upang makahanap ng sasakyang nagpapaskay ng mga na-stranded na pasahero. At nang kami ay nasa harap ng STI ay nakita namin ang isang kaklase at walang alinlangang nakisakay sa kanyang motorsiklo. Bumaba kami sa Brgy. Poblacion sa Makilala kung saan naroon ang mga drayber na nananawagan sa pagbasura sa sinasabing oil deregulation law. Ramdam ko ang kanilang mga hinaing. Halos linggu-lingo na ang walang patumanggang pagtaas ng presyo ng langis. Sana ang mga kumpanya ng langis dito na ihinto muna,alang-alang sa pambansang kapakanan, ang anumang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. Ano na lang ang mangyayari sa mga ordinaryong mamamayan na kumain-dili na lamang na di kayang balikatin ang mga nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo? Kung saan sa bawat paggalaw sa mundo, ay nasa kamay lamang ng iilan na tumatakda sa kapalaran ng mga salat sa yaman…
























