Home » Archives » 01. September 2005
Ang mga Kalapati at ang misteryo ng puting Pugad
September 1, 2005 Ang puting pugad ay tahanan at tagpuan ng mga
kalapating nakabarong at nakasaya mula sa iba’t-ibang lugar sa
Pilipinas. Ito [raw] ay tahanan ng katotohanan, kapayapaan at hustisya
ang pinaiiral. Dito idinidinig at isinisiyasat ang mga batas na gawa ng
mga kalapati. Kaya’y halina’t tunghayan natin ang mga nangyayari sa
ngayon sa puting pugad at ating alamin ang nakabalot ngayon nitong
misteryo. Sinasadya pong takpan ang mga pangalan ng mga sangkot upang
takpan ang kanilang mga baho.
Isang araw, mayroong isang pangyayaring napahinto sa
ibang mga ibon na nagtatrabaho, hindi nila lubos akalaing ang iba sa
pinagkakatiwalaan nilang mga kalapati ay umalis nalang bigla sa gitna
ng diskusyon sa puting pugad. Isang katotohanang di mo inaasahang
sa puting pugad pa na puno dapat ng katotohanan nangyari. Di nila
inisip na maraming mga mata ang nakapaligid at nakabantay sa mga oras
na iyon. Nagalit sila sa gitna ng dikusyon hinggil sa pagsisiyasat sa
kagagawan ng inahin.
Naglakad-lakad ang iyong lingkod upang humagap ng
impormasyon. Kaya marami akong nakuha sa mga kapatid na inakay. May
nagsasabing tama lang ang ginawa ng mga kalapating iyon. Siyempre, ang
sabi naman ng iba ay hindi. E,
kabastosan nga ang ginawa nila, di ba? Nakakasira sa reputasyon ng
puting pugad dahil narin sila’y nasa loob ng pugad na puno nang ***, sabi nang isang inakay.
Ang ginawa ng mga kalapating iyon ay di dapat
buntunan ng sisi dahil alam nating ang pasimuno ng lahat ay ang maling
gawi ng inahin. Ang mga pangyayari ay nagpapatunay lamang ng
demokrasya, dugtong pa ng isang inakay.
Inaamin kong gusto ko nang paalisin ang inahin sa
kanyang kinalalagyan pero kinakailangan pa rin itong gawin sa tamang
paraan.
Naging mainit na ang mga nangyayari ngayon sa puting
pugad. Sa labas nito’y mga pabor at di pabor na mga ibon hinggil sa
paglilitis sa inahin. Andiyan rin naman ang mga agilang naka-asul ng
inahin na nakabantay. Minsa nga’y nakita ko sila sa T.V. nagbatuhan at
may mga hindi nakisaling mga ibon pa ang nasaktan. Wawa, naman.
Ang mga pangyayaring ito ay nagpamulat sa akin
bilang isang mamamayang Pilipino sa isang katotohanan… na magiging
hudyat sa lumalalang kaguluhan s Pilipias… Sino ba ang dapat sisihin?
Ang mga tao sa lipunan?…. mga opisyales?.. Kung tutuusin, walang
dapat sisihin kundi ang mga taong gahaman sa pera, mga taong walang
pakialam kundi ang mabuhay sa maruming trabaho…

























